PAGPAPAUNLAD SA KASANAYAN NANG PAGPAPAHAYAG NA INFORMATIV AT NARATIV NA DISKURSO GAMIT ANG
IBA’T-IBANG REINFORCEMENT NA GAWAIN
Isang Aksiyong Pananaliksik
Ihaharap sa mga Dalubguro ng
College of Teacher Education
University of Northern Philippines
Vigan City
Bahaging Kailangan sa Pagtatapos ng Kursong
Bachelor of Secondary Education
Medyor sa Filipino
Elsie Joy Corpuz
Rachel Ann Guzman
Rolen Ramos
Romeo J. Soriano
Regine Grace Tacata
IBA’T-IBANG REINFORCEMENT NA GAWAIN
Isang Aksiyong Pananaliksik
Ihaharap sa mga Dalubguro ng
College of Teacher Education
University of Northern Philippines
Vigan City
Bahaging Kailangan sa Pagtatapos ng Kursong
Bachelor of Secondary Education
Medyor sa Filipino
Elsie Joy Corpuz
Rachel Ann Guzman
Rolen Ramos
Romeo J. Soriano
Regine Grace Tacata
ANG SULIRANIN
Panimula
Ang Edukasyon ay isang sistematikong proseso ng pagtuturo kung saan dito nagpapalitan ng mga ideya ang guro at ang mag-aaral. Napakahalagang papel ang ginagampanan ng edukasyon sa pag-unlad ng isang bansa. Dahil sa edukasyon nahahasa ang talino at kakayahan ng mga mamamayan upang harapin at iangkop ang sarili sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa kapaligiran.
Ngayon sa larangan ng Edukasyon ang matinding pangangailangan ay ang paglinang ng mabisang pagpapahayag ng mga mag-aaral upang mapaunlad ang kakayahan sa pakikipagtalastsan.
Subalit masakit man sa realidad na ang napagtutuunan ng ganitong suliranin o kahinaan ay ang ating sariling wika
Sa loob at labas ng paaralan ay makikita natin ang kahinaan ng mga mag-aaral sa pagpapahayag. Marami sa kanila ang kulang sa kasanayan sa pagpapahayag.
Mula sa obserbasyon ng mga mananaliksik sa kanilang asignaturang Field Study (FS) ay napansin nila na may kahinaan ang mga mag-aaral sa pagpapahayg ng kanilang kaisipan.
Karamihan sa mga mag-aaral ay mahina sa pagbibigay ng impormasyon mula sa mga bagay na kanilang pinag-aaralan sa loob ng klasrum. Marami ang hindi nakasasagot sapagkat kulang na kulang ang mga mag-aaral sa kasanayan sa pagpapahayag.
Kaya nga’t bilang isang kapaki-pakinabang na mananaliksik ay dapat makabuo ng lunas sa kahinaang ito. Kinakailangang magkaroon ng mga gawaing magpapaunlad sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagpapahayag. Marapat na bigyan ng pansin ang ganitong suliranin ng mga mag-aaral upang sa ganoon ay lalong mapaunlad ang kasanayan nila sa pagsasalita at pagpapahayag ng anumang saloobin, gawi, kaisipan at mga kaalamang nais iparating sa kapwa.
Dahil sa buhay ng tao ay hindi natin maiiwasan na hindi tayo makipagtalastasan sa ating kapwa tao sapagkat ito ay bahagi ng ating buhay.
Ang layunin ng pakikipagtalastasan ay magkaroon ng pagkakaugnay at interaksyon. Upang makamit ang layuning ito kailangan ang kakayahang pangramatika at kakayahang magamit ang wika sa iba’t-ibang sitwasyon at pagkakataon. (Manacca, et.al. 2003)
Dahil saanman tayo magpunta ang pakikipagtalastasan ay ang magiging instrumento natin sa pagpapahayag natin ng ating kaisipan sa ating kapwa at ito ang magiging gabay natin upang maipabatid natin ang nais nating ipaunawa sa ating kapwa.
Sa ating pang –araw –araw na karanasan sa pakikipag-usap, pakikinig at gayundin sa pagbabasa , ninanais nating kausapin at pakinggan ang mga taong malinaw na nakapagpapahayag ng anumang bagay na ibig niyang sabihin sapagkat madali natin siyang nauunawaan. . (Manacca, et.al. 2003)
Ang pagpapahayag ay masining at mabisa . Ito ay nasa kawastuhan ng tamang paggamit. Ang tao ay may kani-kaniyang likas na kakayahan sa pagpapahayag at ang kakayahang ito sa pagpapahayag ay nalilinang at napapaunlad sa iba’t-ibang kaparaanan.
Mayroon tayong tinatawag ng mga paraan ng pagpapahayag isa ito ang tinatawag na narativ. Ito ay gumagamit ng tagapagsalaysay ng pananaw sa pamamaraan ng kanyang pagpapahayag o gumagamit ng taga-kwento ng isang pangyayari. Ito ay mahalaga upang lalong mabisa at mapaunlad ang kasanayang pagpapahayag ng mga mag-aaral. Ang Narativ ay may masining na kaparaanan at naglalayong magpahayag ng pagkasunud-sunod at pagkakaugnay ng mga pangyayari. Nararapat pagalawin ng pag-unlad tungo sa tiyak na katapusan. Ang layunin nito ay ang magkwento ng isang pangyayari. Ito ay karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na buhay. Ibinabahagi rito ang mga karanasan sa pamamagitan ng pagsasalaysay. Bawat sandali sa ating buhay ay punung- puno ng mga pangyayari na malimit nating isinasalaysay gayundin ang naririnig nating pagsasalaysay ng ibang tao hinggil sa mga kaganapan sa kanilang buhay. Sa paaralan madalas na gamitin ang narativ ng mga mag-aaral sa pagbabahagi ng kanilang karanasan sa buhay.
Pangalawa ay ang informative. Ito ay nagbibigay ng impormasyon o ito ay naglalarawan na kung saan may inilalahad din dito ang lugar, araw tao at batay na rin \sa tunay na pangyayari at mga impormasyon.
Ang dalawang kaparaanang ito ay magiging mabisa para laong mapunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagpapahayag.
Ito ang mga dahilan kung bakit ang mga mananaliksik ay nahikayat na magsagawa ng pananaliksik ukol sa problemang kanilang nakita/ natuklasan sa mga mag-aaral para matulungan sila sa lubos na pagpapaunlad ng kanilang kasanayan sa pagpapahayag ng kanilang kaisipan sa klase at upang makatulong sa mga guro na malaman ang kahinaan ng kanilang mga mag-aaral.
Sa pananaliksik na ito ay mag-papangkat pangkat ang mga mag-aaral upang maisagawa ang mga reinforcement na Gawain ang , Think Pair Share, pag-awit at debate sa pamamagitan ng mga gawaing ito ay matutulungan ang mga mag-aaral na lubos na mapaunlad ang kasanayan sa pagpapahayag gamit ang informative at narativ na diskurso.
Sa pag-aaral na ito ay binibigyan-diin ang pagpapahalaga sa pagpapaunlad sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagpapahayag. Napakahalagang pagtuunan ng pansin ito sapagkat makatotulong ito nang malaki sa mga guro at higit na sa mga guro.
Pagpapahayag ng Suliranin
Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang lebel ng kasanayan sa pagpapahayag na informative at narativ na diskurso ng mga mag-aaral sa Unang taon gamit ang iba’t-ibang “Reinforcement na Gawain.”
Naglalayong masagot nito ang mga sumusunod na tiyak na katanungan:
Ano ang lebel ng kasanayan sa pagpapahayag sa Informativ at Narativ na diskurso ng mga mag-aaral ng I-Crystal ng Mataas na Paaralang Laboratory ng University of Northern Philippines?
Ano ang lebel ng kasanayan sa pagpapahayag ng mga mag-aaral ng I- Crystal sa iba’t-ibang “Reinforcement na Gawain.”
1.1 Think-Pair-Share
1.2 Awit
1.3 Debate
3. May significant bang pagkakaiba ng kasanayan sa pagpapahayag na Informativ at Narativ na diskurso gamit ang Reinforcement na Gawain?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay naniniwala na napakasignifikant ng pag-aaral na ito sa mga sumusunod:
Sa mga Mag-aaral. Ito ay makakatulong nang malaki sa kasanayan nila sa pagpapahayag na Informativ at Narativ na diskurso gamit ang mga Reinforcement na Gawain.
Sa mga Guro. Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino upang lalong mapaunlad at mapaangat ang kanilang kakayahan sa pagtuturo.
Sa mga Gurong Nagsasanay. Ang pag-aaral na ito ay magiging basehan o patnubay nila upang maisakatuparan ang mga gagawing pananaliksik.
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pagpapaunlad sa kasanayan ng mga mag-aaral ng I-Crystal ng Mataas na Paaralang Laboratory ng University of Northern Philippines sa Taong Panuruang 2008-2009 sa pagpapahayag na informativ at Narativ na diskurso na binubuo ng 34 na mag-aaral, ___ lalake, ___ babae gamit ng mga Reinforcement na Gawain gaya ng Think-Pair-Share, Awit at Debate.
Ang pag-aaral na ito ay mula sa mag-aaral, na lalake at babae ng UNP-LHS.
Ang paksa ay tungkol sa mga tekstong Informativ at Narativ na ibibigay bilang aktibiti sa mga mag-aaral uapng maisagawa ang mga Reinforcement na Gawain.
Katuturan ng mga Talakay
Upang higit na maging malinaw ang pananaliksik na ito at para sa mas madaling pagkaunawa ng mga mag-aaral, ang mga sumusunod na talakay ay bibigyang katuturan ayon sa paggamit sa pananalisik na ito.
Pagpapahayag. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay o paglalahad ng mga impormasyon sa paraang pagsasalita.
Diskurso. Ito ay ang mga iba't ibang uri ng pagpapahayag. Ito ang naghuhudyat ng pag - uugnayan sa iba't ibang bahagi ng isang pagpapahayag. ipinapakita ng mga pananda ang kaugnayan ng mga kaisipan sa isa't isa.
Informativ. Ito ay naglalarawan kung saan may nailalahad dito ang lugar, araw tao at sa batay sa tunay na pangyayari at mga impormasyon.
Narativ. Ito ay pagsasalaysay na naglalayong magpahayag ng may pagkasunud-sunod at pagkakaugnay na mga pangyayari.
Paggamit. Ito ay ang kakayahang magamit ang pagpapahayag na informativ at narativ na diskurso sa tulong ng Reinforcement na Gawain.
Rubrics. Ito ay batayan sa pagbibigay ng puntos na sumusukat sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasama-sama sa mga iskor na ibinigay sa bawat pamantayan.
Mga Reinforcement na Gawain. Ito ay ang mga Gawain na gagamitin ng mga mananaliksik upang masukat ang lebel ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagpapahayag na informativ at narativ na diskurso.
Awit. Ito ay tumutukoy sa mensahe na gagamitin upang masukat ang lebel ng kasanayan sa pagpapahayag na informative at narativ na diskurso ng mga mag-aaral.
Debate. Ito ay tumutukoy sa tagisan na gagamitin upang masukat ang lebel ng kasanayan sa pagpapahayag na informative at narativ na diskurso ng mga mag-aaral.
Think-Pair-Share. Ito ay tumutukoy sa pagtutlungan ng dalawang studyante upang matapos ang isang Gawain.
Teksto. Ito ay tumutukoy sa babasahing gagamitin sa pananaliksik.
Hinuha o Palagay
Ang pag-aaral na ito ay nakatakda sa mga sumusunod na palagay o hinuha:
Ang mga Reinforcement na Gawain na gagamitin sa pagpapaunlad ng kasanayan ng pagpapahayag na informative at narativ ay makakatulong nang malaki sa mga mag-aaral .
Inaasahang magiging epektibo ang gagawing pananaliksik sa paglutas sa suliranin ng pananaliksik.
Gagawin lahat ng mga mag-aaral ng I-Crystal ng kanilang buong makakaya upang mapaunlad ang kanilang kasanayan sa informative at narativ na pagpapahayag.
Hipotesis na nais Patunayan
Ang pag-aaral na ito ay may hipotesis na nais patunayang na ang mga mag-aaral ng I-Crystal ay mahina sa pagpapahayag na informative at narativ gamit ang mga Reinforcement na Gawain.
KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Teoretikal na Balangkas
Upang mapatibay at mapaganda ang pag-aaral ng mga mananaliksik ay buong husay na nagtipon ng mga kaugnay na pag-aaral at literature.
Sa aklat ni Bayados(2001), sinabi niya na, “Ang Wika, Pasalita o pasulat man ay ginagamit na behikulo sa pagpapahayag ng ating mga nadarama at mga pangangailangan. Bawat wika ay may sariling tuntuning semantic at sentaktik na kinakailangang sundin ng bawat nagsasalita o nagsusulat upang maunawaan siya ng kanyang tagapakinig o mambabasa.”
Sa ating pakikipagtalastasan o pakikipag-ugnayan sa ibang tao, gamit natin ang wikang kapwa natin mauunawan maging sa pasalita o pasulat nag paraan. Subalit hindi sapat ang kakayahan lamang sa paggamit nito kundi ang kaalaman sa pormulasyon at iba pang salik na bumubuo sa wika ay kailangan din.
Idinagdag pa niya na, “Sa paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan , mahalaga ang pagkakaroon ng tiyak na antas ng pag-unawa at parehong pag-asam sa kaganapan sa akto ng komunikasyon ng tagapagsailta at tagapakinig o manunulat at ng mambabasa upang maging matagumpay ang kanilang pakikipagtalastasan sa isa’-isa.”
Ang pakikisalamuha sa ating kapwa ay naglalayong malaman at maunawaan ang kanilang saloobin, opinion at palagay. Dito’y malinaw na pakikipagpalitan ng nalalaman at kuro-kuro ay tanging daan upang makamit ang pagkakaunawaan.
FIGURE 1
Ang mga Reinforcement na Gawain tulad ng Think-Pair-Share, Awit at Debate ay nangangailangan ng sapat na kaalaman sa pagsasagawa nito na siyang magiging mabisang instrumento sa pagpapaunlad sa lebel ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagpapahayag na Informativ at Narativ na diskurso. Sa pamamagitan nito, ang lebel ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga Reinforcement na Gawain.
KABANATA III
METODOLOJI
Disenyo ng PananaliksikMETODOLOJI
Ang mga mananaliksik ay gagamit ng Performance-Based Design upang malaman ang lebel ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga Reinforcement na Gawain sa Pagpapahayag.
Sabjek ng Pag-aaral
Ang pagmumulan ng datos sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral na I-Crystal ng Mataas ng Paaralang Laboratory sa UNP. Binubuo ng ___ lalake at ___ babae ng Taong Panuruan 2008-2009.
Paraan ng Pagtitipon ng Datos
Ang mga mananaliksik ay gagamit ng mga aklat, di-lathalang tesis at mga aksyong pananaliksik upang mangalap ng impormasyon na may kaugnay sa pag-aaral na ito. Gagamit ang mga mananaliksik din ng mga internet na makakatulong sa paglikom ng mga datos sa pananaliksik.
Ang mga sumusunod na iskala ang pagbabatayan sa pagsukat sa performance ng maga mag-aaral sa Unang Taon UNP-LHS sa Unang Reinforcement na Gawain (Think-Pair Share)
Krayterya Lebel Nilalaman
Lebel 4
( Napakahusay ) * Nakapapahayag nang maayos na pahayag gamit ang dalawang diskurso na informative at narativ.
Lebel 3
( Mahusay ) * May katamtamang ayos ang pagpapahayag ng mga impormasyon o ideya at iisang diskurso lamang ang ginamit.
Lebel 2
( Mahina ) * Hindi gaanong naipahayag ang impormasyon at iisang diskurso lamang ang ginamit.
Lebel 1
( Napakahina ) * Hindi magkakatugma ang mga ideya. Magulo ang pagkakalahad.
Ang mga sumusunod naman ay ang iskala ang pagbabatayan sa pagsukat sa performance ng maga mag-aaral sa Unang Taon UNP-LHS sa Ikalawang Reinforcement na Gawain (Awit)
Krayterya Lebel Nilalaman
Lebel 4
( Napakahusay ) * Nakapapahayag nang maayos na pahayag gamit ang dalawang diskurso na informative at narativ.
Lebel
( Mahusay) * May katamtamang ayos ang mga pagpapahayag impormasyon o ideya at iisang diskurso lamang ang ginamit.
Lebel 2
( Mahina ) * Hindi gaanong naipahayag ang impormasyon at iisang diskurso lamang ang ginamit.
Lebel 1
( Napakahina ) * Hindi magkakatugma ang mga ideya. Magulo ang pagkakalahad.
Ang mga sumusunod naman ay ang iskala ang pagbabatayan sa pagsukat sa performance ng maga mag-aaral sa Unang Taon UNP-LHS sa Ikatlong Reinforcement na Gawain (Debate)
Krayterya Lebel Nilalaman
Lebel 4
( Napakahusay ) * Nakapapahayag nang maayos na pahayag gamit ang dalawang diskurso na informative at narativ.
Lebel 3
( Mahusay ) * May katamtamang ayos ang pagpapahayag ng mga impormasyon o ideya at iisang diskurso lamang ang ginamit.
Lebel 2
( Mahina ) * Hindi gaanong naipahayag ang impormasyon at iisang diskurso lamang ang ginamit.
Lebel 1
( Napakahina ) * Hindi magkakatugma ang mga ideya. Magulo ang pagkakalahad.
Paraan ng Pag-aaral
Sa pagmamasid na ginawa ng mga mananaliksik sa UNP-LHS ay naobserbahan nila na may kahinaan ang mga mag-aaral sa pagpapahayag ng kanilang kaisipan. Dahil dito , nagka- interes ang mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral upang alamin ang kanilang kasanayan sa pagpapahayag.
Ang mga mananaliksik ay hihingi ng pahintulot sa koordineytor ng UNP-LHS sa pamamagitan ng liham na ipapapirma sa kanya. Ito ay magpapatunay na pinayagang magsagawa ng isang pag-aaral ng mga mananaliksik. Isasagawa nila ang pag-aaral sa loob ng sampung araw.
Bilang pagganyak, magbibigay ang mga mananaliksik ng mga gawaing kung saan ang mga mag-aaral ay magbibigay ng reaksyon ukol sa mga nararapat na Gawain. Pagkatapos nito, ilalahad ng mga mananaliksik na sila ay magkakaroon ng mga Reinforcement na Gawain. Ngunit bago maisagawa ang mga Reinforcement na Gawain ay magpapabasa muna ang mga mananaliksik ng isang narativ na teksto sa mga mag-aaral. Pagkatapos magbasa ang mga mananaliksik ay magtatanong sa mga mag-aaral ng mag detalyeng ukol sa tekstong binasa. Pagkatapos ay isasagawa na nila ang unang Reinforcement na Gawain (Think-Pair-Share). Kung saan ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng kapareha kung saan sila ay magtutulunagan at mag-uusap tungkol sa binasang teksto at pagkatapos ay sasagutin nila ang mga katanungan ng mga mananaliksik.
Ang pangalawang Reinforcement na gawaing isasagawa ay ang (awit) kung saan ang mga mananaliksik ay magpapangkat –pangkat ang mga mag-aaral upang maisagawa ang pag-awit.
Ang pangatlong Reinforcement na gawaing isasagawa ay ang (debate) kung saan ang mga mag-aaral ay mapapangkat sa dalawang pangkat kung saan sila ay magtatalo ukol sa isang isyung kontrobersyal na nangangailanagan ng malawakang pag-iisip.
Pagsusuring Istatistikal
Upang masukat at masuri nang mabuti ang kasanayan sa paggamit ng mga Reinforcement na Gawain. Ang mga sumusunod ay ginagamit sa pagsusuring istatistikal sa mga datos na nalikom:
Mean – Gagamitin upang masukat ang lebel ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagpapahayag na informativ at narativ gamit ang mga Reinforcement na Gawain.
Standard Deviation – Gagamitin upang malaman ang kasanayan ng mga mag-aaral pagkatapos ang mga Reinforcement na Gawain.
Pearson-Product of Correlation Formula – Gagamitin upang malaman ang mga kaugnayan sa kasanayan ng mga Reinforcement na Gawain (Think-Pair-Share, Awit at Debate)
Frequency Distribution- Gagamitin upang malaman ang bilang ng mga mag-aaral na nakukuha ng mataas at mababang marka sa bawat lebel ng Gawain.
Talasanggunian:
Aquino, Fe O. et. al. 2001. Sining ng Komunikasyon, Quezon City: Kadena Press, Incorporation.
Badayas, Paquito B. et. al. 2000. Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina, Makati City: Grandwater Publication and Research Corporation.
Ragudo, Maria Elena S. et. al 2005. “ Kakayahan ng mga Mag-aaral sa Pagsulat Gamit ang Tatlong Diskurso”